Roadworks sa Metro Manila, pansamantalang ititigil para mabigay daan sa preparasyon ng FIBA World Cup

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ihihinto muna ang ilang roadworks sa Metro Manila ayon sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.

Ito ay upang magbigay daan sa mga gagawing preparasyon para sa gaganaping FIBA World Cup sa bansa.

Batay sa MMDA Memorandum Circular No. 7 series of 2023, pansamantalang ititigil ang road works simula August 17 hanggang September 10.

Kabilang dito ang mga ginagawang road works sa EDSA, C5, Diokno Boulevard, Taft Avenue, UN Avenue, Meralco Avenue, Agham Road, at Ortigas Avenue.

Pagbabawalan rin ang mga mall sa EDSA at iba pang lugar na magsagawa ng mall sales upang maiwasan ang mabigat na trapiko. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us