Mahigit P13-M halaga ng iligal na droga, nasamsam sa Sulu

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa halos dalawang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P13,600,000.00 ang nasamsam sa buy-bust operation ng nagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Sulu, PNP at AFP sa barangay Poblacion sa bayan ng Maimbung bandang alas 8:00 ngayong gabi, August 9.

Arestado naman ang dalawang drug suspek na sina Anton Jubail alyas Toh at si Murphy Bairulla Janang.

Nakumpiska mula sa mga ito ang dalawang piraso ng self sealing aluminum foil bags na may laman puting crystalline substance ng hinihinalang shabu na mahigit-kumulang dalawang kilo, isang brown sling bag na may laman na itim leather na pitaka na may dalawang MNLF valid ID sa pangalan ni Jubail Anton, isang itim na leather pitaka na may laman dalawang valid ID sa pangalan ni Janang Murphy Bairulla at isang unit ng itim at berdeng android phone na Tecno Spark at isang tunay na P1,000 nakalagay sa ibabaw ng 20 bundle ng photocopied P1000 bill.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Maliban sa PDEA Sulu BARMM, kabilang din sa operating units ang Maimbung Municipal Police Station, RIU IX, 7SAB PNP-SAF, 1st PMFC, 2nd PMFC, NICA BARMM, CIDG IX, 41st IB PA, 21st IB PA, 1st RMFC ng RMFB BaSulTa at SPPO PIU.|ulat ni Mira Sigaring| RP1 Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us