Quezon Provincial Police Office, binati ng PNP Chief sa pagkakasabat ng P8-M halaga ng shabu

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binati ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang Quezon Provincial Police Office sa pangunguna ni Provincial Director PCol. Ledon D Monte sa matagumpay na anti-drug operation kahapon ng umaga.

Ito’y matapos na maaresto ang isang high value drug target at marekober ang P8 milyong halaga ng iligal na droga sa operasyon sa Purok Baybayin 1, Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City, Quezon.

Sa naturang buy-bust operation, naaresto si Alibsar Macarangkat Macasari, alyas Alvin, na residente ng GMA, Cavite at kilalang drug distributor sa naturang lalawigan.

Narekober sa kanyang posesyon ang 400 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 8 milyong piso.

Tinukoy ni Acorda ang mahusay na pagpaplano at execution ng operasyon, sa aplikasyon ng “modern law enforcement techniques” partikular ang paggamit ng body camera alinsunod sa Administrative Matter No. 21-06-08-SC o Rules on Body Worn Camera. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us