Tuloy-tuloy ang pagsasanay ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga mag-aaral na magiging tutors ng Tara, Basa! Tutoring Program.
Sa nasabing programa, magiging tutors ang mga college student na naghahanap ng short-term na trabaho.
Kaugnay nito ay nasa 492 na mga mag-aaral ng Pamantansan ng Lungsod ng Valenzuela ang lumahok sa traning ng DSWD kung saan tuturuan nilang magbasa ang mga mag-aaral sa Grade 1 na hirap magbasa o hindi pa marunong bumasa.
Pinangunahan ni DSWD Undersercretary for Innovations Eduardo Punay at ng mga kawani ng ahensya ang pagsasanay sa mga college student na ginanap sa Ateneo Center for Educational Development.
Matatandaang inilunsad kamailan ng DSWD at Department of Education ang Tara, Basa! Tutoring Program na layong tulungan at hasain ang mga estudyante sa elementarya na hirap magbasa o hindi pa marunong bumasa. | ulat ni Diane Lear
📷: DSWD