Pulis opisyal na nagpakulong sa radio reporter sa Camarines Sur, inalis sa pwesto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Camarines Sur Provincial Police Office (PPO) Provincial Director Police Col. Julius Cesar Domingo na inalis na sa pwesto ang pulis opisyal na nagpakulong ng isang radio reporter na nagbasa ng blotter ng pulis sa Iriga, Camarines Sur.

Ayon kay Domingo, isinailalim sa administrative relief ang Chief of Police ng Iriga na si Police Lt. Col. Ralph Jason Oida upang hindi makaimpluwensya sa imbestigasyon sa insidente.

Matatandaan na ikinulong at kinasuhan ng opisyal ang radio reporter na si Jose Rizal Pajares dahil sa paglabag umano sa Data Privacy Act matapos magbasa ng Police Blotter sa Iriga Police station.

Tatlong araw na nakulong ang reporter bago siya pinalaya matapos na magpiyansa ng P10,000 piso. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us