Biyaheng Mactan-Liloan sa Pier 88, aarangkada na sa susunod na linggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Simula sa August 15 ay bubuksan na ang biyaheng Mactan-Liloan mula sa Pier 88.

Mismong si Cebu 5th District Rep. Duke Frasco ang nanguna sa dry-run ng biyahe ng Topline Seabus.

Matatandaang noong Mayo nang pangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte ang pagpapasinaya sa Pier 88.

Ayon kay Frasco, ‘game changer’ na maituturing ang naturang ruta lalo na para sa mga taga-Liloan, Consolacion, Compostela, at Danao City dahil mula sa isa hanggang dalawang oras na biyahe, ay magiging 30-45 minutes na lang ito.

Kada oras ang biyahe para sa naturang ruta na mag-uumpisa ng alas-5:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi, araw-araw.

May promo rate naman na P35 bilang pasahe sa Seabus na kayang magsakay ng hanggang 150 pasahero.

Ito ang unang beses na nagbukas ng ruta upang pag-ugnayin ang Mactan Island at Northern Cebu. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us