Higit 1.3 milyong pamilya, apektado ng bagyong Egay at Falcon -NDRRMC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumobo na sa 1,352,055 pamilya o 5,293,546 katao ang naapektuhan ng bagyong Egay at Falcon.

Ito’y base sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw, Agosto 13.

Ang mga nasabing pamilya ay mula sa 5,535 barangays sa buong bansa na naapektuhan ng magkasunod na sama ng panahon.

 Kasama sa bilang na ito ang 57,628 katao na na-displace ng mga bagyo at habagat.

Ayon sa NDRRMC, 43,584 displaced persons ang nasa labas ng evacuation centers.

Iniulat din na may 30 katao na ang namatay 12 dito ang validated at 171 ang nasugatan habang 9 pa ang nawawala.

Pumalo naman sa P5.054 bilyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us