Mga murang bilihin, tampok sa Kadiwa ng Pangulo sa Zamboanga City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tampok ang iba’t ibang produkto ng mga magsasaka sa isinagawang Kadiwa ng Pangulo sa lungsod ng Zamboanga.

Matagumpay na isinagawa kamakalawa ng Department of Agriculture (DA9) – Agribusiness and Marketing Assistance Division ang Kadiwa Ng Pangulo sa loob ng Edwin Andrews Air Base (EAAB), nitong lungsod kung saan katuwang ng DA ang iilang mga ahensya ng pamahalaan kabilang na ang Department of Trade and Industry (DTI).

Layunin ng nasabing programa ng pamahalaan na maipagpatuloy ang pagbibigay ng murang bilihin sa mga mamimili gayundin ang mabigyan ng pagkakakitaan ang mga magsasaka at Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs).| ulat ni Shirly Espino| RP1 Zamboanga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us