Empleyado ng Cauayan Airport, pinuri ng CAAP dahil sa ipinakitang katapatan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala at pinuri ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang katapatan at integridad na ipinakita ni G. Alexander Nuñez ng Maintenance Section ng Cauayan Airport sa Isabela.

Ayon sa CAAP, nadiskubre ni G. Nuñez ang isang wallet na nasa ibabaw ng isang luggage cart sa parking area ng Paliparan, kahapon.

Agad na itinurn-over ni Nuñez ang nawawalang gamit sa Lost and Found Section ng Security and Intelligene Service ng Paliparan, kung saan naglalaman ng halos P80,000 at may mga kasamang dollar notes ang nawawalang wallet.

Hindi nagtagal ay naisauli ang nasabing wallet sa isang Ms. Dela Cruz, matapos itong lumapit sa lost and found at maberipika na siya ang may-ari ng nawawalang wallet.

Ayon din sa CAAP, hindi ito ang unang beses na nagpakita ng integridad si Nuñez matapos kilalanin ng ahensya ang kanyang katapatan matapos itong magsauli ng isang lost and found item nitong Hulyo.

Sumaludo naman si CAAP Director General Manuel Antonio Tamayo sa katapatan ni Nuñez, at umaasang ang kanyang katapatan ay magsilbing inspirasyon sa buong CAAP Community. | ulat ni Gab Villegas

📸: CAAP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us