Nagpahayag ng kasiyahan si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa mga ipinanukalang proyektong ng United States-Association of Southeast Asian Nations Business Council (US-ABAC).
Ito’y sa pakikipagpulong ng kalihim sa delegasyon ng US-ABAC na pinangunahan ng kanilang President and CEO Ted Osius, sa Camp Aguinaldo, bilang bahagi ng kanilang taunang Philippine Business Mission.
Sa naturang pagpupulong, tinalakay ng magkabilang panig ang mga posibleng larangan ng kooperasyon ng dalawang bansa sa sektor ng depensa at seguridad.
Kabilang sa mga proyektong iprinisinta ng US-ABAC delegation ay sa “cybersecurity, pension programs, healthcare coverage human papillomavirus (HPV) and pneumonia vaccines, time-sensitive shipment handling and delivery, advanced weather forecasting systems, technology and internet services, and sustainable energy sources.”
Ayon kay Sec. Teodoro, ang naturang mga proyekto ay mas magpapalakas ng kakayahang pandepensa ng Pilipinas. | ulat ni Leo Sarne
📸: DND