Bilang ng mga sasakyang nasangkot sa aksidente sa Metro Manila, umabot na sa mahigit 40,000 simula January hanggang July 2023 — MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa 44,493 ang bilang ng mga sasakyang nasangkot sa aksidente simula Enero hanggang Hulyo sa Metro Manila ngayong taon.

Ito ay batay sa pinakahuling Road Crash Statistics in Metro Manila 2023 ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa MMDA, sa bilang na ito nasa 32,800 ang nagresulta sa damage to property, 168 ang fatal, at 11,525 ang non-fatal injury.

Kaugnay nito ay mas pinahihigpitan na ng Department of Transportation (DOTr) ang pagkuha ng Driver’s License.

Matatandaang batay sa datos ng DOTr tumaas ang bilang ng mga namamatay dahil sa road accident sa bansa noong 2022 na umabot sa 11,000 na indibidwal. Ito ay mas mataas kumpara sa 10,000 na indibidwal na nasawi noong bago mag-pandemya.

Samantala, nakatakda namang buksan ng MMDA ang Motorcycle Riding Academy nito sa ikatlong quarter ng taon na layong mabawasan ang tumataas na bilang ng mga aksidente na kinasasangkutan naman ng mga motorsiklo sa Metro Manila. | ulat ni Diane Angela Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us