Ilang pasahero, tutol sa hirit na taas-pasahe sa jeep

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pabor ang ilang pasahero sa muling inihihirit na taas-pasahe ng ilang transportation group sa pampasaherong jeepney.

Kasunod yan ng pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pag-aaralan nito ang hirit na ₱2 dagdag pasahe sa mga Public Utility Jeepney (PUJ) sa unang apat na kilometro.

Sakaling maaprubahan, magiging ₱14 na ang minimum fare sa jeep mula sa kasalukuyang ₱12 na pamasahe.

Karamihan ng mga pasaherong nakapanayam ng RP1 team sa bahagi ng Elliptical Road, Quezon City, hindi pabor dahil hindi na raw kakayanin kung magkaroon pa ng dagdag sa pamasahe.

Ayon kay Mang Francis, mahirap na pasanin ito para sa mga gaya niyang maliit lang ang sinasahod.

Si Mang Rico sinabing masyadong mabigat ang ₱2 taas-pasahe lalo para sa kanyang araw-araw at balikan kung mag-commute.

Si Nanay Lucy sinabi ring malaking problema na naman ang pagba-budget kung matutuloy ito. Makakaapekto rin aniya ito sa mga estudyante na magbabalik eskwela na.

Una nang sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III na kinikilala ng ahensya ang karapatan ng mga operator at tsuper na nais maghain ng panukala hinggil sa dagdag-singil sa pamasahe pero may mga factor pa rin aniyang dapat ikonsidera ukol sa nasabing hirit na taas-pasahe ng mga tsuper.

Magsasagawa rin daw sila ng mga pulong sa susunod na linggo at tatalakayin ang nasabing hirit na taas-pasahe. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us