DA, handang inspeksyunin ang mga warehouse ng palay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas ang Department of Agriculture (DA) na pakilusin ang Inspectorate and Enforcement sa ahensya para mag-ikot sa mga warehouse ng palay.

Ito ay sa gitna na rin ng alegasyon ng umano’y manipulasyon sa stock ng palay na nagdudulot ng tuloy-tuloy na pagtaas sa presyo ng bigas sa merkado.

Sa panayam sa media, sinabi ni DA Assistant Secretary and Deputy Spokesman Rex Estoperez na bagamat wala nang regulatory powers ang National Food Authority (NFA) na mag-inspeksyon sa warehouses, maaari pa rin namang mag-ikot ang DA sa rice storage facilities upang hikayatin ang mga may-ari nitong ilabas ang mga hawak na suplay.

Isa naman sa nakikita ng DA na posibleng rason ng pagsipa ng presyo ng palay ay dahil inaasahang sa Setyembre hanggang Oktubre pa ang bulto ng palay harvest.

Kaugnay nito, naniniwala naman si Estoperez na hindi papalo sa ₱65 ang kada kilo ng bigas. Giit nito, dapat maingat sa mga ganitong projection dahil mas nagdudulot ito ng pangamba sa publiko.

Samantala, bukas din ang DA sa planong pagrerebyu sa Rice Tariffication Law at kung may mga probisyon ng batas na dapat amyendahan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us