MIAA, muling siniguro na di maapektuhan ang flight operation sa isasagawang electrical maintenance ngayong umaga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ng Manila International Airport Authority (MIAA) na walang maapektuhang flight operation sa isinasagawang electrical maintenance ngayong umaga.

Ayon sa MIAA, nakaplano na ang pag-upgrade ng mga electrical facilities partikular sa International Wing ng NAIA Terminal 3.

Nagsimula ang electrical maintenance ng alas-6:00 ng umaga at inaasahang matatapos ng alas-11:00 rin ngayong umaga.

Kaugnay nito, naka-activate na rin ang mga generator upang matiyak na may supply ng kuryente sa mga critical facilities upang magamit rin ang iba pang pasilidad sa nasabing paliparan.

Samantala, humingi naman ng paumanhin ang MIAA para sa anumang abala na maaaring idulot nito sa mga pasahero. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us