DSWD, kabalikat ng PCO sa kampanya vs. fake news

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang commitment nito sa kampanya kontra fake news na inilunsad ng Presidential Communications Office (PCO).

Kasama ang DSWD sa lumagda sa Memorandum of Understanding (MOU) sa Media Information and Literacy (MIL) campaign ng pamahalaan.

Sa ilalim nito, isasama ang MIL sa mga social protection program ng DSWD.

Inaasahan din itong magbibigay ng suporta sa pamamagitan ng pagsasagawa ng trainings na may kaugnayan sa Media Information and Literacy (MIL) sa ilang targeted communities.

Tutulong din ang DSWD sa pagpapalaganap ng information materials na may kaugnayan sa MIL.

Ayon kay DSWD Undersecretary for Innovations Eduardo Punay, mahalaga ang
whole-of-nation-approach at kolaborasyon ng mga ahensya ng pamahalaan para mapigilan ang misinformation at disinformation.

“I know the necessity for a war on fake news and how this battle needs a whole of nation approach to be won,” ani Usec. Punay.

Ibinahagi rin nito ang ilang karanasan kung saan ginagamit ang pangalan ng DSWD sa pagpapakalat ng fake news na nagdulot aniya ng malaking perwisyo sa ilang mamamayan.

“Our experiences in the DSWD prove the need to come up with a more effective way to combat fake news,” diin ni Usec. Punay.

Pangungunahan ng Presidential Communications Office (PCO) ang Media and Information Literacy Campaign na layong palakasin ang kakayahan ng mga Pilipinong tukuyin kung ano ang totoo sa pekeng balita. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us