Lumagda ng isang Memorandum of Understanding ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Division of Cities Schools ng Makati para sa pagkakaroon ng awareness sa anti-smoking, anti-littering at pagtuturo sa basic disaster response sa lahat ng mag-aaral sa lungsod ng Makati.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes, layon ng naturang MOU na magkaroon ng basic course ang mga mag-aaral ng Makati upang maging handa at maging disiplinado ang mga ito sa wastong pagtapon ng basura, masamang maidudulot ng paggamit ng sigarilyo, at pagkakaroon ng basic disaster response.
Dagdag pa ni Artes na mahalaga ang naturang pagsasanay sa ating mag-aaral upang maging handa ito sa anumang sakuna na kakaharapin ng Makati City.
Nagpasalamat naman si Chairman Artes sa DepEd Division sa Makati sa pagtanggap ng naturang MOU. | ulat ni AJ Ignacio
📸: MMDA