Umaasa si Tourism Sec. Christina Frasco na marekonsidera pa ng mga mambabatas ang kanilang 2024 proposed budget.
Sa pagsalang ng budget ng ahensya sa deliberasyon sinabi ni Frasco na nagkaroon ng 20% na pagbaba sa kanilang panukalang pondo para sa susunod na taon.
Mula kasi sa kasalukuyang P3.73 billion na 2023 budget ay P2.99 billion lang ang napaloob nilang pondo sa 2024 National Expenditure Program.
Pagbibigay diin ng opisyal na batay mismo sa economic managers, ang turismo ang pangalawa sa seckor na may malaking ambag sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Katunayan, sa datos ng Philippine Statistics Authority, 6.2 percent ang ambag ng turismo sa GDP ng Pilipinas.
Kasabay nito ay muling ibinida ni Frasco ang patuloy na pagbangon ng tourism sector.
Katunayan, sa unang anim na buwan ng taon ay umabot na sa 3.4 million ang foreign tourist arrivals sa bansa, o 71% ng kabuuang 2023 target na 4.8 million arrivals.
Pinuri naman ni Frasco ang mga polisiyang ipinatupad ng Marcos Jr. administrstion, partikular sa pagbubukas ng bansa para sa muling pagsigla ng turismo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes