Pinasalamatan ni National Security Adviser Sec. Eduardo Año ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pag-apruba ng National Security Policy (NSP) 2023-2028 sa pamamagitan ng pag-isyu ng Executive Order (EO) No. 37.
Sa pamamagitan ng EO 37, inatasan ng Pangulo ang lahat ng national government agency, government-owned and controlled corporations (GOCCs), at local government units (LGUs) na i-adopt ang NSP 2023-2028 sa kani-kanilang mga polisiya at programa.
Inatasan din sa naturang kautusan ang National Security Council Secretariat na i-monitor ang pagpapatupad ng NSP 2023-2028 sa lahat ng sangay ng pamahalaan.
Ayon kay Año, ang NSP ay gagabay sa lahat ng sangay ng pamahalaan sa pagtugon sa mga national security concern, tungo sa pagkamit ng “Matatag, Maginhawa, at Panatag na Buhay” sa 2040.
Kabilang sa mga tinukoy ng NSP bilang national security interest ang: national sovereignty and territorial integrity; political stability, peace and public safety; economic strength and solidarity; ecological balance and climate change resiliency; national identity, harmony, and culture of excellence; cyber, information, and cognitive security; at regional and international peace and solidarity. | ulat ni Leo Sarne