Joint patrol sa pagitan ng Pilipinas at allied countries sa West Philippine Sea, pinaboran ni Senador Bato dela Rosa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pabor si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa panukalang joint patrol sa West Philippine Sea ng Pilipinas at iba pa nating mga kaalyadong bansa.

Ayon kay Dela Rosa, malaking tulong ang joint patrol para mapigilan ang pambu-bully at harassment ng China sa mga Pilipino sa West Philippine Sea.

Ipinunto ng senador, na kung magkakaroon ng joint patrol ay matagumpay na maihahatid ang mga supply na kailangan ng ating mga sundalo na nasa Ayungin Shoal.

Una nang sinabi ni dating Associate Justice Antonio Carpio, na dapat isabay sa joint patrol sa pagitan ng Pilipinas at iba pa nating allied countries ang resupply mission para sa tropang nasa BRP Sierra Madre, para masiguro na makakarating ito ng walang aberya.

Suportado rin ni Dela Rosa, ang paglalaan ng mas malaking pondo para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa panukalang 2024 budget para sa refurbishment o pagsasaayos ng BRP Sierra Madre. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us