House Committee on Ethics, mayroon na umanong rekomendasyon sa patuloy na pagliban ni Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mayroon nang bagong rekomendasyon ang House Committee on Ethics and Privileges hinggil sa patuloy na pagliban ni Negros Oriental 3rd district Representative Arnulfo Teves Jr.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, posibleng maiakyat at matalakay na ito sa plenaryo ng Kamara sa Miyerkules, August 16.

Sa hiwalay naman na panayam kay Ethics Committee Chair Felimon Espares sinabi nito, na kung hindi man matalakay sa plenaryo ngaynog linggo ay maaaring sa susunod na linggo na lang ito isalang.

Matatandaan na July 31 natapos ang suspension order laban kay Teves.

Nitong Lunes, August 14 ay muling nagdaos ng pulong ang naturang komite upang pag-usapan kung ano ang magiging susunod na hakbang ng Kamara, kaugnay sa isyu ng kasamahang mambabatas. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us