Bulacan State University College of Medicine, hindi pa maaaring tumanggap ng mga estudyante ngayong unang semestre ng SY 2023-2024 -CHED

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinawag ng Commission on Higher Education (CHED) na misleading ang napaulat na tumatanggap na ng mga estudyante para sa Doctor of Medicine program ang Bulacan State University.

Sa isang pahayag, sinabi ni CHED Chairman Prospero De Vera III na walang CHED-approved Doctor of Medicine program ang unibersidad kaya hindi pa ito maaaring tumanggap ng mga estudyante para sa  1st semester ng school year 2023-2024.

Ayon kay De Vera, kasalukuyan pa ang ebalwasyon sa aplikasyon ng Bulacan State University College of Medicine.

Noong June 19,2023 ay sumailalim sa inspeksyon ng CHED ang College of Medicne ng Bulacan State University kung saan may mga nasilip na ilang kahinaan o deficiencies sa departamento.

Binigyan ng hanggang Hulyo 31, 2023 ang unibersidad para mag-comply sa hinihinging requirement.

Pero humirit ito sa CHEDRO-3 ng palugit para sa pagsusumite ng compliance documents.

Ang panibagong deadline ay nagtapos na noong Agosto 11.

Sakaling makapag-comply, dadaan pa ito sa Technical Panel for Medicine, ang advisory arm ng CHED para sa kaukulang aksyon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us