PCSO, nais pabilisin pa ang proseso upang mas marami pang matulungang mamamayan na nangangailangan ng medical assistance

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na pabilisin pa ang kanilang proseso sa pagbibigay ng tulong sa mga kababayang nanganailangan ng atensyong medikal.

Ayon kay PCSO Chairperson Junie Cua, nag-iisip na ng iba pang mga pamamaraan ang PCSO upang mas mapabilis pa ang pamimigay ng tulong sa mga nangailangang mga kababayan.

Dagdag pa ni Cua, na nais nilang maging digitalized na ang pamamahagi ng tulong ng PCSO upang hindi magkaroon ng mahabang pila at upang hindi na mag-antay ng napakatagal.

Sa huli sinabi ni Cua, na bigyan lamang sila ng kaunting panahon upang mas mapaganda at mas mapabilis pa ang serbisyo. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us