LRTA, muling nakapagtala ng panibagong record high sa bilang ng mga pasahero

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umakyat sa 169,241 na mga pasahero ang naserbisyuhan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) Line 2, kahapon.

Ito na ang pinakamataas na bilang ng ridership mula noong magsimula ang pandemya.

Mas mataas ito sa naitalang 168,963 na daily ridership noong March 3, kung saan maluwag na ang COVID-19 protocols at restrictions.

Bago kasi magpandemya, nasa higit 250,000 na mga pasahero ang sumasakay sa LRT-2.

Inaasahan ng pamunuan ng LRTA, na tataas pa ang average daily ridership ng LRT-2 ngayong buwan dahil sa pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral sa August 29.

Ikinatuwa naman ni LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera ang pagtaas ng bilang ng mga pasaherong sumasakay sa LRT-2.

Ayon kay Cabrera, prayoridad at pagsusumikapan nila na mabigyan ang publiko ng ligtas at mas maginhawang biyahe.

Samantala, pinaalalahanan ng LRTA ang mga pasahero na sumunod pa rin sa mga alituntunin para sa ligtas, maayos at komportableng biyahe. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us