Reassessment ng pamahalaan sa 1.4 million na pamilya para sa 4Ps, tiniyak na matatapos sa Setyembre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sa Setyembre, tapos na nila ang isasagawang reassessment sa nasa 700,000 na pamilya, na una nang naka-gradute sa 4Ps, ngunit muling ikinukonsidera ang kanilang sarili bilang mahirap.

Nasa 700,000 rin ang dapat nang maaalis sa 4Ps, ngunit hindi na-assess noong kasagsagan ng pandemya.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, na on going na ang pagri-review na ito alinsunod sa targeting system ng tanggapan.

“Proxy Means Test kasi, formula lamang iyon, may score. So halimbawa, ikaw ba ay nakatira sa isang bahay na kongkreto, bibigyan iyan ng score. Pag-collate noon, sa office na lang iyon ginagawa, tina-tabulate, if you don’t make the score, matatanggal ka. Pero si SWDI kasi, bukod sa may score, may emotional quotient siya. Iyong social worker, pumupunta doon, tinitingnan niya.” —Secretary Gatchalian

Ang kanilang social workers on ground, doble kayod na para maisakatuparan ito sa lalong madaling panaho.

Ginagamit na rin aniya ng kanilang hanay ang Social Welfare and Development Indicators, upang masiguro na ang mga dapat mapabilang sa listahan ng 4Ps ay mapapabilang.

“As a case management tool para not only are we looking at the indicators, we are also looking at the other aspects of a family’s wellbeing. Mayroon siyang puso, kumbaga, may numero at puso na pinagsama.” —Secretary Gatchalian. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us