Ayon sa impormasyon na inilabas ng PNP Mountain Province PIO, nadiskubre ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad ang abandonadong ‘encampment’ o kampo ng pinaghihinalaang Communist Terrorist Group (CTG) sa Mount Ampucao, Brgy. Balugan, Sagada, Mountain Province, habang sila’y nagsasagawa ng reconnaissance at combat patrol operation sa lugar sa araw ng Martes, August 15, 2023.
Kabilang sa nagsagawa ng nasabing operasyon ay ang Mountain Province Police Mobile Force Company sa pangunguna ni PLT Carlito S Ateneo, 143SAC, 14SAB sa pangunguna ni Officer Roberto M Bagni, Jr., Sagada MPS, PIU MPPPO, RID PRO Cordillera, NISG NL at RIU14 sa superbisyon ni Mountain Province Provincial Police Office Provincial Director PCOL Sibly P. Dawiguey Jr.
Narekober ng mga tropa sa nasabing kampo ang iba’t ibang war materials na pinaniniwalaang pag-aari ng anila’y Weakened Guerilla Front AMPIS, kabilang ang bandila ng Communist Party of the Philippines (CPP), at iba pang bandila na may markang (BHB)Bagong Hukbong Bayan, Cordillera People’s Democratic Front (CPDF), isang bandila na namarkahan ng CPP NDFP, isang Short M16 Magazine, at isang 30 Liters na puting galon na naglalaman ng halos isang litrong Gasolina.
Nakita rin sa lugar ang iba’t ibang communication devices, educational paraphernalia at iba pang kagamitan.| ulat ni Donalyn Kawis Balio| RP1 Bontoc