“Intelihenteng liderato ng mga leader sa kumunidad,” ito ang hinimok ni Bong Fulung Fredo Pandian Basino na nahirang kamakailan bilang Barangay Tribal Chieftain (District 1) ng Barangay Sapu Masla sa bayan ng Malapatan, Sarangani Province.
Naipasa sa kaniya ang titulo sa isang seremonya na pinamagatang “Installation, Investiture, and Recognition Ceremony of Bong Fulung Mngawe Banwe Di Sarangani bilang Bong Fulung Magot Banwe Di Silel’,” na isinagawa noong August 12, 2023, sa Sitio Upper Lasang covered court.
Ang titulo ay naipasa kay Fredo Basino mula sa kaniyang ama na si Bong Fulung Basino S. Bantillan na mula sa angkan ng katutubong Blaan.
Ang titulo ay naisalin sang-ayon sa Barangay Resolution na nilikha ng Barangay Tribal Council at base sa Blaan customary law.
Dumalo sa seremonya ang mga miyembro ng barangay, municipal, at provincial tribal councils, cultural workers, colleagues in academia, mga miyembro ng angkan, tribal leaders, at iba pang stakeholders.| ulat ni Nitz Escarpe| RP1 Davao