9 na barangay sa QC, mawawalan ng tubig mamayang gabi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siyam na barangay sa lungsod Quezon ang mawawalan ng suplay ng tubig simula mamayang gabi (10 PM) na tatagal hanggang bukas ng madaling araw (4 AM).

Sa abiso ng Manila Water, ipapatupad ang water service interruption dahil sa isasagawang line meter & strainer declogging, line maintenance, at interconnection.

Kabilang sa mga maaapektuhang barangay ang: Brgy. Immaculate Concepcion, Brgy. Philam, Brgy. U.P. Campus, Brgy. Bahay Toro, Brgy.Tagumpay, Brgy. Marilag, Brgy. Milagrosa, Brgy. Bagumbuhay, at Brgy. Masagana.

Pinapayuhan ang mga apektadong residente na paghandaan ang pansamantalang water service interruption.

Samantala may isinasagawa ding maintenance activities ngayong araw, hanggang bukas, sa ilang lugar sa Pasig, Taguig, Makati, Quezon City, Marikina, Cainta, Antipolo at Montalban sa Rizal. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us