Taguig LGU, umapela sa Makati LGU na tigilan ang delaying tactics sa paglilipat ng EMBO schools sa kanilang pangangasiwa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa Makati Local Governmet, na itigil na ang mga hakbang nito na pumipigil sa smooth transition ng mga Enlisted Men’s Barrio o EMBO Barangay partikular na ang mga gusaling paaralan dito.

Inihayag ito ni Taguig City Mayor Lani Cayetano, makaraang igiit ng Makati LGU na kailangan munang kumuha ng Taguig LGU ng writ of execution para ganap na mailipat sa kanila ang mga EMBO school.

Ayon kay Cayetano, hindi na kailangan ng writ of execution dahil malinaw naman na ang naging desisyon ng Korte Suprema hinggil sa kanilang hurisdiksyon sa mga naturang barangay.

Muli pang binigyang diin ng alcalde, na bukas-palad nilang tinatanggap ang kanilang mga bagong kababayan at handa silang higitan ang mga natatanggap ng mga ito sa Makati City.

Kaya naman nanawagan si Cayetano kay Makati City Mayor Abi Binay gayundin sa mga opisyal nito, na huwag nang magpakalat ng mga maling impormasyon na nakasisira sa transition, sa halip ay makipagtulungan para na rin sa kapakanan ng mga apektadong residente. | ulat ni Jaymark Dagala

🎥: Taguig PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us