Nagsasagawa na ng fact-finding investigation ang Quezon City Engineering Department sa pangunguna ni Atty. Dale Peral sa nangyaring aksidenteng pagguho ng pader sa isang construction site sa Civic Center B Building ng Quezon City Hall kagabi.
Ayon kay Atty. Peral, batay sa kanilang initial findings, mayrooong lapses ang contractor na MRB2 construction sa nangyaring insidente.
Kabilang sa sinisilip ng QC LGU ang posibleng paglabag ng naturang contractor sa occupational safety and health guidelines na nagresulta sa pagkakasawi ng isang manggagawa at pagkasugat ng tatlo pa.
Paliwanag nito, batay sa iskedyul, hindi dapat na minadali sa isang araw ang demolisyon ng pader kundi dapat ay isang linggo.
Dedepende naman aniya sa resulta ng imbestigasyon kung magpapatuloy pa o i-terminate na ang kontrata ng pamahalaang lungsod sa naturang contractor. | ulat ni Merry Ann Bastasa