Tiniyak ng Department of Social Welfare ang Development (DSWD) na magtutuloy-tuloy ang pagbibigay ng ayuda sa mga pamilyang apektado ng nagpapatuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon.
Kasunod ito ng ibinigay na 300 metrikong toneladang bigas ng Ministry of Agriculture, Forestry, and Fisheries ng bansang Japan.
Ayon kay DSWD Disaster Response Management Bureau (DRMB) Director Michael Cristopher Mathay, makatutulong ang nasabing donasyon sa ginagawang relief operation sa probinsya ng Albay.
Tinatayang aabot sa 10,000 sako ng bigas ang mapo-produce mula sa nasabing donasyon. Sa ngayon, ay gumagawa na ng distribution plan ang DSWD at mga lokal na pamahalaan upang matiyak na magiging maayos ang pamimigay ng nasabing bigas sa mga apektadong pamilya. | ulat ni Diane Lear