I-ACT, nanghuli ng mga pribadong sasakyang dumadaan sa EDSA Busway

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanghuli ang mga tauhan ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) ng mga pribadong sasakyan na dumadaan sa EDSA Busway partikular sa EDSA Ortigas, Santolan, at Cubao.

Ang nasabing operasyon ay bilang paghahanda para sa FIBA Basketball World Cup, kung saan dadaanan ito ng mga delegado.

Aabot sa 72 sasakyan ang kanilang natiketan kung saan nahuli ang mga pribadong sasakyan, mga motorsiklo, at mga sasakyan ng mga empleyado ng pamahalaan na hindi naka-red plate.

Ang EDSA Busway ay bukas lamang daanan ng mga bus, ambulansya, at mga sasakyan ng pamahalaan na tutugon sa emergencies.

Kinakailangan na matubos ang kanilang lisensya sa punong tanggapan ng LTO sa Quezon City, at sumailalim sa reorientation course at kinakailangang maipasa ang exam bago sila payagan muling makapagmaneho. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us