DOTr, tiniyak ang sapat na bilang ng MRT-3 train sets sa kabila ng muling pag-akyat ng daily average ridership nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na sapat ang bilang ng mga tren ng MRT-3 para sa dumaraming pasahero ng nasabing rail line.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Railways Atty. Jorjette Aquino, mahalaga na naisasagawa ng regular at araw-araw ang maintenance activities ng mga tren, pati ang buong linya upang matiyak ang maayos, ligtas, at iwas-aberyang biyahe ng mga pasahero.

Ito ay kasunod ng balita na umabot na sa 436,388 ang bilang ng mga pasaherong napagserbisyuhan ng MRT-3, noong Agosto 16.

Ito na ang pinakamataas na bilang ng mga pasaherong sumakay sa linya magmula noong Hunyo 2020 na umabot sa 422,000 ang daily average ridership ng MRT-3.

Kasalukuyang nasa 18 train sets ang tumatakbo sa mainline tuwing peak hours at 15 train sets kapag off-peak hours, habang mayroon namang tatlo hanggang apat na spare trains ang maaari pang patakbuhin. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us