Valenzuela LGU, nagbukas ng vaccination sites para sa mga mag-aaral bago ang pasukan ng klase

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihikayat ng Valenzuela City Government ang mga mag-aaral, na kumpletuhin na ang kanilang bakuna kontra COVID-19 bago ang pasukan ng klase sa Agosto 29.

Nagbukas na ang lokal na pamahalaan ng dalawang vaccination site sa lungsod na maaaring puntahan ng mga mag-aaral na magpapaturok ng COVID-19 vaccine.

Isa rito ay ang Valenzuela City People’s Park at ang isa naman ay ang Valenzuela City Social Hall.

Magbubukas ng alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon ang People’s Park simula Lunes hanggang Biyernes.

Habang ang Valenzuela Social hall ay bubuksan lang ng Sabado mula sa parehong oras.

Bukas ito sa mga kabataang may edad 5 hanggang 17 taong gulang.

Para sa mga batang may edad ng 5 hanggang 11 taong gulang, Pfizer kidz ang gagamitin para sa kanila habang Sinovac vaccine naman para sa 12 hanggang 17 taong gulang. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us