Taguig City Life Line Scholarship, nais palawigin ng lokal na pamahalaan sa 10 embo barangays na sakop na ng lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang mas maramdaman ng embo barangays ang mga benepisyong hatid ng lungsod ng Taguig, nais palawigin ng lokal na pamahalaan ang “Life Line Scholarship Program”.

Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, nais din nitong mapasama Ang 10 embo barangays sa nasabing programa.

Dito, may pagkakataon ang mga mag-aaral na makatanggap ng mula P15,000 hanggang P50,000 na taunang financial assistance.

Kaugnay nito, kabilang din sa nasabing programa ang mga propesyonal na nais kumuha ng masteral degree lalo na ang mga guro na nagtuturo sa Schools Division ng DepEd Taguig upang mas mapalawak pa ang kanilang career sa pagtuturo. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us