Sen. Bong Go, nanguna sa AICS payout sa Navotas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumuhos ang tulong sa mga residente ng Navotas City sa pagbisita ni Senator Bong Go sa lungsod ngayong Martes, August 22.

Katuwang si Navotas Mayor John Rey Tiangco, pinangunahan ni Sen. Go ang distribusyon ng financial aid sa 1,000 persons with disability (PWD), at senior citizens sa San Roque Elem School.

Tumanggap ang mga ito ng tig P3,000 ayuda na mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Bukod sa cash assistance ay namahagi rin ang senador ng grocery packs, sapatos, relo, bola, at cellphone sa ilang benepisyaryo.

Matapos ito, dumiretso si Sen. Go sa Navotas Sports Complex kung saan nakibahagi ito sa pamamahagi ng ayuda 1,328 pamilyang nasunugan kamakailan sa lungsod.

Sa panayam naman sa media, inihayag ng senador ang plano ring pagtatayo ng Super Health Center sa Navotas para mas mailapit sa mahihirap ang access sa serbisyong pangkalusugan na inaalok ng gobyerno. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us