PNP, gagamit ng body worn camera sa mga checkpoint sa BSKE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipapagamit ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga body-worn camera (BWC) sa mga pulis, na magmamando sa mga checkpoint sa panahon ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) Chief Police Brigadier General Red Maranan, ito ay magsisilbing proteksyion ng publiko laban sa ilang tiwaling pulis.

Sa kabilang dako, para na rin aniya ito sa proteksyion ng mga pulis laban naman sa mga maling akusasyon habang isinasagawa ang check point.

Pero sa ngayon aniya ay 2,700 lang ang BWC ng PNP na kanilang ire-redistribute para magamit sa mga checkpoint, ilang araw bago mag BSKE at sa mismong araw ng eleksyon.

Sinabi naman ni Maranan, na maaari ding gamitin ng mga pulis ang alternative recording devices tulad ng cellphone, dahil pinapayagan naman aniya ito ng Korte Suprema. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us