IPPO, naninindigan na lehitimo ang paghain ng search warrant laban sa magkapatid na Barrios sa Passi City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naninindigan ang Iloilo Police Provincial Office na lehitimo ang paghain ng search warrant sa magkapatid na Barrios sa Brgy. Agtabo, Passi City.

Ito’y matapos mag viral ang video sa ikinasang search warrant ng Passi City Police Station kung saan pinaghihinalaan ang mga pulis na nang planted ng ebidensya at nagnakaw ng 135 libong piso.

Ayon kay IPPO Director P/Col. Ronaldo Palomo, ang ikinasang raid ay nakasunod sa Police Operational Procedure.

Nag-ugat ang operasyon sa nangyaring shooting incident sa bahay
ni Godofredo Alarba Jr. sa Brgy. Braulan, San Enrique, Iloilo nakaraang Hulyo 30, 2023, 2:30 ng madaling araw.

Sa nangyaring insidente, 2 biktima ang nasugatan.

Lumabas sa imbestigasyon ng kapulisan na ang mga suspek ay ang magkapatid na sina Neptalie Barrios at SSgt. Jeffrey Barrios, isa sundalo ng Philippine Army na assigned sa Camp Hernandez, Dingle, Iloilo.

Ito ay batay sa mga nakalap na testimoniya at ebidensya ng kapulisan.

Ang formal complaint na Multiple Attempted Murder ay isinampa ng
Iloilo Provincial Prosecutors Office nakaraang Agosto 3, 2023.

Makalipas ang 9 na araw, isang raid ang ikinasa ng kapulisan sa bahay ng magkapatid dala ang search warrant.

Sa paghain ng search warrant nandoon rin sina Punong Barangay Alejandro Aquino, Barangay Kagawad Ingracio Season ng Brgy. Agtabo, Passi City at City Prosecutor Hadji Hortgar Hidlao.

Na-recover sa raid ang mga mataas na kalibre ng armas at granada. Nahuli naman sa raid si Neptalie Barrios.

Nilinaw naman ng IPPO na ang ipinalabas na video ay hindi nagpapakita ng totoong nangyari sa operasyon dahil spliced videos na ang ipinalabas.

Pinuri naman ng IPPO ang miyembro ng operating units sa ikinasang operasyon.

Bilang isang Ilonggo, umaapela si Col. Palomo sa mga mamamayan na suportahan ang Ilonggo Cops sa laban kontra kriminalidad. | ulat ni Paul Tarrosa| RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us