DSWD, tuloy-tuloy ang pamamahagi ng ayuda sa mga residente sa Ilocos Sur na sinalanta ni Bagyong Egay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng cash assistance ng Department of Social Welfare and Development sa mga sinalanta ni bagyong Egay.

Ngayong araw, sabay-sabay ang ginagawang pamamahagi ng DSWD Field Office 1 ng Emergency Cash Transfer (ECT) sa mga bayan sa probinsya ng Ilocos Sur.

Kabilang sa target beneficiaries ng ECT ay ang mga pamilya at indibidwal na mayroong naitalang partially at totally damaged houses.

Labing apat (14) na bayan sa Ilocos Sur ang naka-schedule na mabigyan ngayong araw kabilang ang bayan ng Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, San Ildefonso, San Vicente, Bantay, Santa Catalina, Santa, Santiago, San Esteban, Santa Maria at Suyo.

Pagtiyak pa ng DSWD na sunod pang mabigyan ng tulong pinansyal ang iba pang mga bayan sa Agosto 24 hanggang 26. | ulat ni Rey Ferrer

📷: DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us