DPWH, minamadali na ang pagsasaayos ng mga kalsada na dadaanan ng mga manlalaro ng FIBA World Cup

Facebook
Twitter
LinkedIn

Puspusan na ang ginagawang pagkukumpuni ng DPWH National Capital Region sa mga kalsada na dadaanan ng mga manlalaro ng FIBA World Cup sa Biyernes.

Ayon sa DPWH-NCR, tinatapos na nila ang asphalting pavement ng EDSA Bus Lane na gagawing Special Lane ng mga sasakyan ng mga manlalaro.

Ang EDSA Bus Lane ang itinakdang special lane patungong Philippine Arena upang hindi maantala ang biyahe ng mga basketbolista.

Bukod sa EDSA, naayos na rin ang mga kalsada sa mga hotel na tinutuluyan ng mga delegado.

Nais ng ahensya, walang magiging aberya sa mga biyahe ng mga manlalaro lalo na sa mga kalsada. | ulat ni Lorenz Tanjoco

📷: DPWH

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us