1,031 nakapasa sa PNPA Cadet Admission Test

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Philippine National Police Academy (PNPA) na 1,031 aplikante ang nakapasa sa Cadet Admission Test (CAT) para sa taong 2023.

Ito’y mula sa mahigit na 37,000 nagkwalipika na kumuha ng eksaminasyon sa mahigit 107,000 online aplikasyon.

Ang eksaminasyon ay isinagawa nitong August 6 sa 37 testing center sa buong bansa, kung saan 73.33% ng nakapasa ay mga lalaki, at 26.67% ang mga babae.

Ang passing rate sa PNPCAT sa taong ito ay 4.06 na porsyento na medyo mababa, pero pasok pa rin sa 5-year average.

Binati ni PNPA Director, Police Brig. Gen. Samuel Nacion, ang mga nagtagumpay na examinee at binigyan-diin ang kahalagahan ng pagsubaybay sa opisyal na pahina ng PNPA para sa mga update sa susunod na mga hakbang ng Selection and Admission Process para sa PNPA Class 2028, na magsisimula sa unang quarter ng 2024. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us