Bagong Philippine Marine HQ sa Morong, Bataan, magiging “world class” — BCDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) Chairman Delfin Lorenzana, na magiging “world class facility” ang bagong Philippine Marine Corps (PMC) headquarters sa Discovery Park sa Morong, Bataan.

Ito ang inihayag ni Lorenzana matapos pangunahan ang groundbreaking ceremony para sa “Package 1, Phase 1” ng naturang proyekto, kasama sina BCDA President and CEO Engr. Joshua M. Bingcang and Philippine Marine Corps Commandant MGen. Arturo M. Rojas.

Kabilang sa “Package 1” ng proyekto ang paglalatag ng mga daan, utilities, at preparatory work.

Ipinagkaloob ng BCDA ang 100 ektarya sa Morong Discovery Park bilang bahagi ng 28 bilyong pisong planong ilipat ang Headquarters ng Philippine Marine Corps mula sa kasalukuyang 12 ektaryang inookupa nila sa Fort Bonifacio.

Inaasahang makukumpleto ang Phase 1 ng proyekto sa 2024. | ulat ni Leo Sarne

📷: BCDA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us