Mga checkpoint sa ilang kalsada sa QC, nakalatag na sa pagsisimula ng election period

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglatag na rin ang Quezon City Police District (QCPD) at ng ilang opisyal ng Commission on Elections (COMELEC) ng checkpoints sa pagsisimula ng Election Period at Gun Ban para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sa pagsisimula ng election period, epektibo na rin kasi ang nationwide gun ban.

Dito sa East Avenue corner Elliptical Road, QC, may nakapwesto nang COMELEC checkpoint signage kung saan nakasulat rin ang pangalan at numero ng opisyal at COMELEC representative.

Dito, pinapaalalahanan ang mga motoristang mapapadaan na pansamantalang tumigil, at ibaba ang bintana ng sasakyan upang masilip ng checkpoint officer ang loob nito.

Maging ang mga napapadaang motorcycle rider ay pinahihinto rin para silipin ang OR/CR at kanilang compartment. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us