Sampung mga guro, sundalo at pulis ang pinarangalan sa ginanap na 61st Anniversary ng Metrobank Foundation.
Kabilang sa tumanggap ng award ang mga guro na sina Rex Sario, June Elias Patalinghug , Dr. Jovelyn Delosa at Edgar Durana.
Habang ang mga sundalong awardees ay sina Staff Sgt. Danilo Banquiao, Lt. Col. Joseph Bitancur at Col. Joseph Jeremias Cirilo Dator.
Tumanggap din ng award ang mga pulis na sina Chief Master Sgt. Dennis Bendo, Major Mae Ann Cunanan at Col. Renell Sabaldica.
Ang mga recipient ng career service award ay tumanggap din ng P1 Million cash prize, golden medallion at “The Flame” trophy.
Kabilang sa naggawad ng award sa Outstanding Filipinos sina Metrobank Chairman Arthur Ty, Metrobank President Fabian Dee, Metrobank Foundation President Aniceto Sobrepeña, First Lady Liza Araneta-Marcos, Senador Chiz Escudero at iba pa.
Ang awardees ay dumaan sa masusing selection process mula sa daan-daang mga nominasyon.
Taun-taon ay ginagawa ng Metrobank Foundation ang pagkilala sa mga natatanging mga Pilipino dahil sa dedikasyon sa trabaho at serbisyo.| ulat ni Mike Rogas