2022 Census of Agriculture and Fisheries, lalarga na sa Setyembre — PSA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ngayon ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa mamamayan na makiisa at makilahok sa pagsisimula ng 2022 Census of Agriculture and Fisheries.

Ayon kay PSA Undersecretary at National Statistician Dennis S. Mapa, pormal nang lalarga sa September 4 ang enumeration period o ang pagkalap ng mga datos na patungkol sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.

Pangunahin sa target respondents dito ang mga sambahayan na nasa ilalim ng sektor ng agrikultura, pangisdaan at aquaculture. Kasama rin sa pagkukunan ng datos ang mga institusyon, negosyo, NGAS, LGUs, GOCCs at international organization.

Gagamitin sa census sa unang pagkakataon ang computer-assisted personal interview kasama ang iba pang pamamaraan gaya ng pen and paper interview at self-administered questionnaire.

Punto ni Usec. Mapa, ang mga makukuhang datos sa naturang census ay magiging batayan ng mga policy maker at stakeholder sa pagbalangkas ng mga programa at polisiya para sa ikauunlad ng sektor ng agrikultura at pangisdaan sa bansa.

Kabilang din sa datos na inaasahang makakalap dito ang imbentaryo ng agri at fishery resources, impormasyon sa uri ng mga pananim sa bansa, bilang ng livestock at poultry, pati na ang datos sa distribusyon ng lupang pang-agrikultura sa bansa.

2012 pa huling nagkaroon ng ganitong census ang PSA.

Tinatarget naman ng PSA na kumpletuhin ang pagkalap nito ng mga datos hanggang sa Oct. 25, 2023 at ilalabas ang resulta nito sa July 2024. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us