Panibagong paalala ang iniwan ni House Speaker Martin Romualdez sa mga importer at trader ng bigas matapos muling magsagawa ng inspeksyon sa warehouse ng bigas sa Bulacan kasama ang Bureau of Customs.
Para sa mga importer, gawing tama ang proseso ng importasyon ng bigas at para sa mga trader—huwag nang ipitin sa kanilang mga warehouse ang suplay at agad ilabas sa merkado.
Tatlong warehouse ang inikot ni Romualdez kasama ang ilan pang kongresista kasama ang operatiba ng Bureau of Customs.
Isa sa mga bodegang kanilang sinilip, mayroong higit sa 60,000 hanggang 70,000 na sako ng palay at imported na bigas na ang iba, inaagiw na.
Babala pa nito sa mga cartel, na sila ay iimbestigahan
Nitong Martes nang atasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang Bureau of Customs (BOC) na mahigpit na bantayan ang mga pasilidad na nag-iimport ng bigas at tiyakin na nagbabayad ang mga ito ng tamang buwis. | ulat ni Kathleen Jean Forbes