Tuloy-tuloy ang paghahain ng kandidatura ng mga nagnanais magsilbi sa mga bagong Barangay ng Taguig City ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ito ay matapos mapasakamay ng lungsod ang pangangasiwa sa 10 Enlisted Men’s Barrio (EMBO) Barangay mula sa Makati City, sa bisa ng naging desisyon ng Korte Suprema.
Pero ayon kay Taguig City Election Officer Edgar Aringay, may mga gagawing pababago sa numero ng presinto sa mga bagong barangay ang mga voting center at classroom na magsisilbing presinto para sa BSKE.
Una nang inihayag ni Commission on Elections (COMELEC) Chairperson George Erwin Garcia, na tumaas ang turnout ng mga nais kumandidato noong magsimula ang filing ng Certificates of Candidacy (COCs).
Patunay ito ayon sa poll chief, na kinikilala na ng mga residente rito ang hurisdiksyon ng Taguig City LGU sa 10 EMBO Barangays.
Tatagal ang paghahain ng kandidatura para sa BSKE sa Taguig City Convention Center hanggang sa Setyembre 2. | ulat ni Jaymark Dagala
📸: Taguig LGU