Hepe ng Mandaluyong City Police Station, sinibak sa puwesto matapos magpositibo sa drug test

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Eastern Police District Director Police Brigadier General Wilson Asueta na sinibak na sa puwesto ang hepe ng Mandaluyong City Police Station na si Police Colonel Cesar Gerente.

Ito ay matapos umanong magpositibo sa isinagawang surprise drug test ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong August 24.

Ayon kay Asueta, inilagay muna si Gerente sa Regional Personnel Holding and Accounting Section sa ilalim ng Regional Personnel and Records Management Division ng NCRPO para sa sumailalim sa imbestigasyon.

Sa ngayon ani Asueta, itinalaga muna si Police Col. Mary Grace Madayag bilang acting chief of police ng Mandaluyong City Police Station kapalit ni Gerente.

Sinabi rin ni Asueta na binawi na rin muna ang service firearms ni Gerente at pinagpapaliwanag kung bakit ito nagpositibo sa surprise drug test.

Tiniyak naman ni Asueta na hindi nila kinokonsinte ang paggamit ng iligal na droga sa hanay ng pulisya.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us