PAF, tutulong sa DSWD sa paghahatid ng food packs sa Bacolod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakaagapay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Philippine Air Force (PAF) sa Central Visayas para agad na maihatid ang food packs sa mga binahang lugar sa Negros Occidental.

Ayon sa DSWD, sa tulong ng PAF choppers, nasa kabuuang 20,000 family food packs (FFPs) mula sa Visayas Disaster Resource Center (VDRC) sa Cebu City ang nakatakdang dalhin patungong Bacolod-Silay International Airport.

Tiniyak naman ng Disaster Response and Management Group (DRMG) na tuloy-tuloy na ang pagde-deploy ng relief packs sa Mactan Air Base.

“A request has been made to the Visayas Command for a fixed wing, specifically a C-130 cargo plane, for faster airlifting of the prepositioned FFPs at the Mactan Air Base,”

Sa tantya ng DRMG, matatapos ang pag-airlift ng 20,000 FFPs patungong Negros sa sabado, September 2

Agad namang dadalhin ang mga food pack sa DSWD regional warehouse sa Bacolod City para sa deployment nito sa mga binaha kabilang ang mga munisipalidad ng Bago at La Carlota, Pontevedra, Pulupandan, San Enrique at Valladolid. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📷: DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us