Hindi makabiyahe ang ilang sasakyan pandagat sa Southern Tagalog dahil sa malalaking alon dulot ng habagat.
Kung kayat stranded ngayon sa apat na pantalan o pier, ang 215 pasahero, driver at mga pahinante.
Limang bangka at tatlong vessel rin ang kasalukuyang nananatiling nagtatago sa mga pier ng Jomalig, Real at Dinahican na pawang nga nasa Quezon Province at Looc Port sa Occidental Mindoro.
Agad naman silang kinalinga ng mga kawani ng nasabing pantalan at binigyan ng makakain.
Sa ngayon, nakataas ang gale warning sa mga nabanggit na pantalan dahil sa malalaking alon dulot ng Habagat. | ulat ni Michael Rogas