Umaasa si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na matatapos sa itinakdang petsa ang mga inilinyang proyekto ng Marcos administration.
Pahayag ito ni Bonoan sa gitna ng aniya’y mga hamong inaasahang kakaharapin kasunod ng mga planong isakatuparan ng administrasyon na may kinalaman sa infrastructure projects.
Sa Malacañang briefing, sinabi ni Bonoan na inaasahan na nila ang problema sa acquisition o pagkakaroon ng right of way.
Kaya ang ginagawa aniya nila ngayon sabi ng kalihim ay inaasikaso na hangga’t maaga ang right of way nang sa gayon ay maiwasan ang anomang pagkaka-antala ng mga nakalinyang proyekto ng pamahalaan.
Sa kabilang banda dagdag ni Bonoan ay hindi nila inaalis ang hamon na posibleng idulot ng kalamidad lalo’t nasa mga 20 bagyo ang bumibisita sa bansa kada taon. | ulat ni Alvin Baltazar